Unleash the Highest Potential of Your Child
by: Vic
& Avelynn Garcia
How many of you have experienced
this? … Naglalakad kayo sa mall, hawak-hawak n’yo ang kamay ng anak ninyo (ng
pamangkin, o ng apo n’yo) at biglang sa susunod na hakbang ninyo, hindi na kayo
makahakbang. Ano’ng nangyari? May nakita ang anak ninyo! At ano ang sabi sa
inyo? “Mommy, Daddy (Tito, Tita, Lolo, Lola) bili mo naman ako nito please…”
Ano ang gagawin ninyo kapag nagpapabili ang anak, pamangkin o apo ninyo,
pero wala naman kayong balak bumili? Ano ang sasabihin n’yo?
In many years of asking this
question during our seminars, marami na kaming natanggap na sagot. Isa-isahin
natin…
Sabi ng iba, “Hindi natin pwedeng bilhin dahil:
… wala tayong pera.”
… mahal yan.”
… pangit yan.”
O kaya, “Mamaya na lang.” At kung
anu-ano pa.
Kayo? Ano ang kadalasang sinasabi
ninyo? Ano kaya ang sasabihin ninyo ‘pag nangyari ito? O hindi ito nangyayari
dahil binibili ninyo agad ang gusto ng batang kasama n’yo? Sa tingin n’yo ba,
tama ang mga sagot na ito? Upang maunawaan natin ang epekto ng bawat sagot na
ito sa ating mga anak, isa-isahin natin ang mga pwedeng mangyari.
1. “Wala tayong pera.”
Tatay: “Anak, anak. Hindi natin pwedeng bilhin ‘yan dahil
wala tayong pera”
Anak: “Daddy, daddy. Nakita ko ‘yung wallet mo kanina. May
pera.”
Tatay: “Hay naku anak! Hindi sa akin ‘yun, patago lang.”
Hindi ba kayo nagtataka kung bakit maraming
bata ang sinungaling? Hulaan ninyo kung sino ang nagturo? Malamang, si yaya. Si
yaya ang may kasalanan n’yan. Nakakita na ba kayo ng magulang na tinuruan ang
anak na magsinungaling? No! So malamang, si yaya talaga ang may kasalanan.
(Joke lang.)
2. “Mamaya na lang.” o “Saka na
lang.”
Tatay: “Anak, sige. Mamaya na lang.”
Bata: “Sige po, Daddy. Mamaya na
lang.”
So, lakad, lakad, shopping, shopping
na sila. Nang papauwi na…
Tatay: “O, anak, halika na. Uwi na
tayo.”
Bata: “Daddy, ‘di ba sabi mo,
mamaya? Mamaya na po ngayon. Bilhin na po natin.”
Tatay: “Ay naku, anak, magsasara na
ang mall. Saka na lang natin bilhin…”
Hindi ba kayo nagtataka kung bakit
maraming bata, kapag nangako, hindi tinutupad? Hulaan ninyo kung sino ang
nagturo? Malamang, si yaya. Si yaya na naman! Palagi na lang si yaya. Ang payo
lang namin, ‘pag ganyan ang anak ninyo, magpalit na kayo ng yaya kasi hindi
maganda ang impluwensya ni yaya. Ang tanong, “Saan nga ba talaga natutong
magsinungaling at hindi tumupad sa pangako ang mga anak natin?”
Think about this…
“Our children learn more from what
they see rather than what they hear.”
Paano ba natin palalakihin ng tama
ang ating mga anak for them to have a life of success, happiness and
significance? Bawat magulang ay nagnanais ng magagalang, mababait at
masusunuring mga anak. Walang magulang ang gustong magpalaki ng mga “spoiled
brats”. Pero kadalasan, ang mga hangaring ito ay parang napakalayo sa tunay na
kalagayan ng marami sa ating mga anak.
Isang madalas nating marinig ay ang
kasabihang, “Train a child in the way he should go, and when he is old he
will not turn from it.” Pero ang tanong ng maraming tao ay “Paano ko ba
dapat palakihin ang aking mga anak? Anu-ano ba ang aking dapat gawin?”
According to Wikipedia, “Parenting
(or child rearing) is the process of promoting and supporting the physical,
emotional, social, and intellectual development of a child from infancy to
adulthood. Parenting refers to the aspects of raising a child aside from the
biological relationship.”
Sa aming palagay, ang isa sa
pinakamalaking problema ng Pilipinas ngayon ay “Poor Parenting”. Kung
pag-aaralan lang natin, marami sa mga problemang ating dinaranas ngayon ay
dahil sa “Poor Parenting”. Mula sa simpleng J-walking, traffic violation,
buying pirated goods, hanggang tax evasion, drug addiction, robbery, hold-up,
rape, murder at kung anu-ano pa. Let’s imagine kung ang mga gumawa at patuloy
na gumagawa ng mga krimen na ito ay napalaki ng maayos ng kanilang mga magulang,
siguradong marami sa kanila ay hindi gagawa ng mga maling bagay na ‘yan.
Hindi naman natin pwedeng sisihin
lang ang mga magulang dahil isipin ninyo, sino’ng magulang ang gustong
magkaroon ng masama o walang hiyang anak? Malamang, wala! Eh bakit nga ba
nangyayari ang mga bagay na ito? Isang dahilan ay maraming magulang ang kulang
sa kaalaman at kakayanan sa tamang pagpapalaki ng kanilang mga anak.
Isa sa mga batas na nais naming
imungkahi sa ating Presidente o sa ating mga mambabatas ay dapat lahat ng
magulang o malapit na maging magulang ay required um-attend ng seminar
patungkol sa tamang pagpapalaki ng anak taon-taon. At sinumang magulang
ang ayaw um-attend ay pagmumultahin.
Sa ganitong paraan, matuturuan at
magagabayan ang mga magulang sa pagpapalaki ng kanilang anak at sigurado kami
na mababawasan ang krimen sa lansangan. Mababawasan na ang mga pulis dahil
kaunti na lang ang mga magnanakaw at holdaper. Mababawasan din ang mga
MMDA dahil halos lahat ay sumusunod na sa batas trapiko. In the same manner,
mababawasan din ang budget sa DSWD dahil kaunti na lang ang mga palaboy sa
kalye maging ang ating populasyon dahil kaunti na lang ang teenage pregnancy.
Pero tataas na ang tax collection
dahil marami ng magbabayad ng tamang tax. Dadami ang ating graduate sa
kolehiyo dahil maraming bata ang mag-aaral nang mabuti. Mababawasan na
ang baha dahil magse- segregate na tayo ng basura at magtatapon sa tamang
lugar. Hindi na tayo magpuputol ng mga puno. Mababawasan na ang mga tiwaling
government officials dahil kaunti na lang ang magbebenta ng boto. Mababawasan
din ang mga rebelde dahil paganda na ng paganda ang estado ng ating kabuhayan.
Ang layunin ng mga articles na ito
ay tulungan at gabayan ang mga magulang sa maayos na pagpapalaki ng kanilang
mga anak. Sa librong ito, ituturo namin ang Pitong “P” ng bawat magulang tungo
sa maayos na pagpapalaki ng mga anak para sa matagumpay, masaya at makabuluhang
buhay.
“Train a child in the way he should
go, and when he is old he will not turn from it”(NIV) - Proverbs 22:6
(Excerpted from Vic & Avelynn
Garcia’s book - Unleash the Highest Potential of Your Child, a
sequel to the book entitled Unleash Your Highest Potential. )
Avelynn Regalado-Garcia is currently the Executive Vice President of Unleash International Corporation, a high-tech, high-touch, high-impact training company
whose main mission is to unleash the highest potential in people towards
success, happiness, and significance. For more than 20 years now, she
passionately conducts seminars, workshops, conference, and conventions for top
local and multinational companies, schools, and organizations in the country
and abroad.
Click this You Tube Channel
Check the price of this book @ kingjbookstore.sulit.com.ph